Home METRO Tricycle driver nilamon ng rumaragasang agos ng ilog

Tricycle driver nilamon ng rumaragasang agos ng ilog

Bulacan – Natagpuan na ang tricycle driver na nawala kamakailan matapos tangayin ng rumaragasang agos sa isang tulay sa bayan ng Sta. Maria.

Kinilala ng pulisya ang kalunos-lunos na biktima na si Rodolfo Bergado, 57, may-asawa residente ng Brgy. San Agustin, Novaliches.

Sa report ng Bocaue police, nadiskubre ang namamagang bangkay ng mga residente na palutang-lutang sa ilog sakop ng Brgy. Taal bandang 9:00 ng umaga ng Martes, Hunyo 25.

Ayon sa report, ang bangkay ay kinilala mismo ng pamilya na nagtungo sa lugar na siya ay si Rodolfo na nawawala.

Sinasabing si Rodolfo lulan ng tricycle ay tinangay ng rumaragasang agos sa Macaiban bridge hanggang lamunin ng Tumana river sa kasagsagan ng ulan bandang 5:00 ng hapon nitong Linggo, Hunyo 23.

Bumuhos ang pakikiramay ng mga netizen, kaanak at mga kakilala sa pamilya ng biktima. Dick Mirasol III