Home NATIONWIDE 2 binatilyong ‘motornapper’ bumiyaheng kulungan

2 binatilyong ‘motornapper’ bumiyaheng kulungan

1
0

Bulacan – Arestado ang dalawang indibiduwal kabilang ang isang menor de edad matapos tangayin ang tricycle sa lungsod ng Malolos nitong gabi ng Nobyembre 22.

Sa ulat ni PLTCOL Edwin Lacostales, hepe ng Malolos police station, kinilala ang mga suspek na isang 21 at 16-anyos.

Ayon sa ulat ng istasyon, naganap ang insidendmte bandang 8:00 ng gabi, malapit sa tahanan ng may-ari sa Brgy. Bangkal.

Batay sa paunang imbestigasyon, tinangay umano ng dalawa ang pulang Bajaj motorcycle na may sidecar subalit namataan sila ng mga saksi.

Dahil dito, positibong kinilala ang mga ito ng mga saksi kaya agad silang naaresto ng mga tanod kalaunan.

Dinala ang mga suspek sa istasyon para sa kaukulang dokumentasyon at nahaharap sa kaukulang kaso. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here