Home HOME BANNER STORY 2 BuCOr officials sinuspinde sa nawawalang inmate

2 BuCOr officials sinuspinde sa nawawalang inmate

MANILA, Philippines – Sinuspinde ang dalawang opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) kasunod ng pagkawala ng inmate sa New Bilibid Prison.

Matatandaan na kamakailan ay napaulat na nawawala ang isang person deprived of liberty (PDL) sa maximum security compound ng Bilibid.

Hindi naman pinangalanan ng ahensya ang pangalan ng sinibak na mga opisyal.

Noong Hulyo, inilantad ni BuCor Superintendent Angelina Bautista na nawawala sa loob ng compound ang 25-anyos na PDL na si Michael Cataroja.

Sa pinakahuling hearing, sinabi ni BuCor director general Gregorio Catapang Jr. na nawawala pa rin si Cataroja.

Aniya, idedeklara nilang nakatakas si Cataroja kung hindi pa rin ito mahahanap. RNT/JGC