Home NATIONWIDE 2 Chinese tiklo sa pagdukot sa kapwa Chinese

2 Chinese tiklo sa pagdukot sa kapwa Chinese

MANILA, Philippines – Inaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang dalawang lalaking Chinese na umano’y nandukot ng mga kapwa Chinese at pwersahang pinagtatrabaho ang mga ito sa isang scam hub.

Sa ulat, naaresto ng CIDG ang dalawang Chinese sa bahay sa loob ng isang pribadong subdivision sa General Trias, Cavite.

Inilunsad ng CIDG ang entrapment operation matapos na isumbong ng boyfriend ng isa sa mga biktima na hiningian sila ng P450,000 kapalit ng kalayaan nito.

Ang dalawang biktima na magkapatid, ay pwersahang pinagtrabaho sa umano’y scamming activities, kabilang ang love scams at umaabot sa $50,000 ang quota.

Ani CIDG spokesperson Police Lieutenant Colonel Imelda Reyes, ang mga biktima lamang ang nagtatrabaho doon at nang hindi nila maabot ang quota ay saka humingi ng ransom ang mga suspek.

Dagdag pa, ang mga suspek ay dating empleyado ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na nagtayo ng kanilang sariling scam hub.

Narekober ng CIDG ang baril at mga bala ng mga suspek sa operasyon.

Sasailalim sa inquest proceedings ang mga suspek at nahaharap sa kasong kidnapping, serious illegal detention, at paglabag sa comprehensive firearms and ammunition.

Patuloy na iimbestigahan ng mga awtoridad kung may iba pang sangkot dito. RNT/JGC