MANILA, Philippines – Tinulungan ng Philippine Red Cross ang kabuuang 111 pasyente sa mga unang oras ng Traslacion sa Quirino Grandstand sa Maynila nitong Huwebes, Enero 9.
Ayon sa PRC, sa kabuuang bilang ng mga pasyente, anim ang dinala sa ospital dahil sa pagkahilo at pananakit ng dibdib.
Minor health concerns ang sinaklolohan ng PRC sa 66 pasyente gaya ng pagkahiwa ng balat, pagkatusok, neck pain, avulsion, burn, at hyperacidity, ayon sa 6 a.m. update nito.
Ang mga major health concern naman ay ang pagkahilo na may panlalabo ng paningin, nausea, at panghihina ng katawan, sa dalawang pasyente nito.
Samantala, mayroong 35 indibidwal ang kinailangang suriin ang kanilang vital signs.
Mula alas-4 hanggang alas-5 ng umaga, sinabi ng Quiapo Church na nasa 230,000 katao ang naitala sa Rizal Park, habang 16,700 ang nasa Quiapo Church. RNT/JGC