Home NATIONWIDE PAGASA: Walang inaasahang bagyo, LPA sa mga susunod na araw

PAGASA: Walang inaasahang bagyo, LPA sa mga susunod na araw

MANILA, Philippines – Walang inaasahang low-pressure area (LPA) o bagyo sa mga susunod na araw sa loob at labas ng Philippine area of Responsibility (PAR).

Sa kabila nito, sinabi ng PAGASA na ang northeast monsoon o amihan, at shear line ay patuloy na makakaapekto sa bansa.

“Currently, we are not monitoring any LPA or tropical cyclones in and out of PAR,” sinabi ni Pagasa specialist Rhea Torres nitong Huwebes ng umaga, Enero 9.

“In the next few days, we still do not expect any LPA or typhoon that can affect any part of the country,” dagdag pa niya. RNT/JGC