MANILA, Philippines – Namataan ang dalawang barkong pandigma ng Tsina at isang barko ng China Coast Guard (CCG) na nagsagawa ng mga agresibo at delikadong maneuvers laban sa mga barko ng Pilipinas malapit sa Bajo de Masinloc noong Mayo 5, 2025.
Ang BRP Emilio Jacinto (PS35) ng Philippine Navy ay nagsasagawa ng regular na patrolya bilang suporta sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at Philippine Coast Guard (PCG) nang ang mga barko ng PLAN, kasama ang dalawang Jiangkai II-class frigates (554 at 573) at CCG vessel 5403, ay nagpakita ng panganib.
Ayon sa AFP, ang Chinese frigate BN 554 ay nag tailing sa PS35 nang malapitan, habang ang BN 573 ay tumawid ng delikado sa harap ng Philippine vessel, na nagdulot ng panganib ng banggaan. Ang CCG vessel naman ay nagtangkang harangan ang daraanan ng PS35.
Ang insidente ay naganap mga 11.8 nautical miles timog-silangan ng Bajo de Masinloc, na bahagi ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.
Pinuna ng AFP ang mga aksyon ng mga barkong Tsino, na nagpose ng panganib sa kaligtasan ng barko ng Pilipinas at lumabag sa mga International Regulations for Preventing Collisions at Sea (COLREGs).
Nagpahayag ang AFP ng matinding alalahanin na ang mga ganitong agresibong aksyon ay maaaring magdulot ng tensyon at magpataas ng tensyon sa rehiyon. RNT