Home METRO 2 colorum operators na nahuli sa Kabite kinasuhan na ng LTO

2 colorum operators na nahuli sa Kabite kinasuhan na ng LTO

139
0

MANILA, Philippines- Sinampahan na ng kaso ng  Land Transportation Office ( LTO) ang dalawang operator ng colorum vehicles makaraang mahuli ng mga operatiba ng PNP sa ginawang operasyon sa Cavite.

Sinabi ni  LTO Vigor Mendoza na ang mga nahuling operator ng colorum vehicles na sina  Ricky Solayao Cos, 38; at Roberto Bonete Salvador, 52  na pawang mula Trece Martires City  Cavite ay kinasuhan ng paglabag sa  Republic Act 11659 o Public Service Act.

Nabatid pa sa LTO na ang paghuli sa dalawa ay bunsod ng ipinalabas na arrest warrant ni  Judge Regina Paz Ramos-Chavez ng  Branch 274 ng Paranaque City Regional Trial Court. 

“Ito ay nagpapatunay na seryoso ang inyong LTO para wakasan na ang perwisyong dulot ng mga colorum operators sa ating mga lehitimong kababayan sa sektor ng transportasyon.Patas na lumalaban ang karamihan sa ating mga drivers at operator subalit ang kanilang kinikita ay naapektuhan ng mga ganitong iligal na gawain,” sabi ni Mendoza.

Idinagdag pa ng LTO na 30 porsyento ng kita ng legal operators ng mga pampasaherong sasakyan ang nawawala dahil sa mga colorum na sasakyan. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here