Home METRO 2 dayuhan nasakote ng BI sa immigration violations

2 dayuhan nasakote ng BI sa immigration violations

111
0

MANILA, Philippines- Inihayag ng Bureau of Immigration (BI) na nag-ugat ang kanilang operasyon sa Benguet sa impormasyon mula sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) hinggil sa isang babaeng Chinese na hinahanap kaugnay sa isang raid kamakailan sa Bamban, Tarlac.

Ayon sa BI, dalawang foreign national ang kanilang inaresto sa isinagawang raid sa loob ng isang tirahan sa isang subdivision sa Brgy. Poblacion sa Tuba, Benguet nitong Hulyo 27.

Ang dalawang dayuhan na kinilalang sina Wang Keping, 35, babae at Khuon Moeurn, 37, lalaki, ay arestado sa isinagawang joint operation ng intelligence division regional intelligence unit Cordillera Administrative Region ng BI at PAOCC.

Sinabi ni BI intelligence division chief Fortunato Manahan, Jr. na nag-ugat ang operasyon sa impormasyon mula sa PAOCC tungkol sa isang babaeng Chinese na hinahanap kaugnay ng kanilang pagsalakay kamakailan sa Bamban, Tarlac.

Dahil dito, naglabas ng mission order si BI Commissioner Norman Tansingco para madakip ang target na babaeng Chinese.

Gayunman, pagdating sa site, ang target ay hindi nakita kung saan dalawa pang dayuhan ang nakita sa paligid. Pagkatapos ng beripikasyon, napag-alaman na si Moeurn, isang umano’y Cambodian national, ay isang undocumented at overstaying alien matapos na hindi maipakita ang kanyang dokumento.

Sinabi ng mga operatiba na nakapagpakita lamang si Moeurn ng larawan ng kanyang na Cambodian passport na may bisa lamang hanggang Agosto 2020.

“While Wang had a working visa, she may be charged with violation of immigration laws for harboring an illegal alien,” ani Manahan.

Parehong inaresto ang dalawang dayuhan at dadalhin sa Maynila para sa booking procedures. Ang kustodiya ng dalawa ay mananatili sa PAOCC habang sumasailalim sa mga paglilitis sa deportasyon. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here