Home ENTERTAINMENT Sen. Bong at Boyet, magsasama sa pelikula!

Sen. Bong at Boyet, magsasama sa pelikula!

111
0

Manila, Philippines- Iika-ika pa ring maglakad si Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. habang naglalakad palabas sa backstage ng Henry Lee Irwin Theater sa Ateneo University kung saan ginanap ang 40th Star Awards for Movies.

Sa backstage ay nakasalubong ni Sen. Bong ang aktor na si Christopher de Leon.

Dito ay nabanggit namin kay Sen. Bong na kasama pala si Boyet sa “Alyas Pogi” movie niya which is intended for this year’s Metro Manila Film Festival.

“Yes, magsasama kami,” pagkumpirma ni Sen. Bong.

“Gagawa kami ng movie together. Naputol lang. Pero ‘di bale, matutuloy pa rin. Idol ko ‘to. Karangalan ko’ng makasama siya sa pelkula,” sabay akap ni Sen. Bong kay Boyet.

In fact, nakapag-first shooting day na raw sina Sen. Bong at Boyet.

“Naputol, e. Nag-shoot na nu’ng first day. Nu’ng first day doon bumigay. Sabi ko, wow.

“Kaya na-stop siya. Iso-sorpresa ko nga sana kayong lahat, e. Kasama ko si Boyet de Leon sa movie, wow!”

Hirit naman ni Boyet, “Tayo ang nasorpresa. Ako, nasopresa. Ha?! What happened to Bong?!”

Ayaw daw talagang i-reveal ni Sen. Bong na makakasama niya sa movie si Boyet.

“Hindi pa namin nasasabi. Bibiglain sana namin kayo na kasama ko ang aking idol,” diin niya.

Next year na lang daw nila isasali sa MMFF ang “Alyas Pogi.” O di kaya ay regular showing sa mga sinehan.

For the meantime, habang nagpapagaling si Sen. Bong ay magti-taping daw muna siya ng “Walang Matigas na Tinapay sa Mainit na Kape.”

“Para hindi ganoon ka-pwersado na ano. Pero after the election na ang shooting. Hard action, e. Matindi ang bakbakan namin sa ‘Alyas Pogi,'” tsika pa ni Sen. Bong. Julie Bonifacio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here