MANILA, Philippines – Dalawa katao ang nasawi sa magkahiwalay na sunog sa Cavite.
Ayon sa Region 4A police nitong Martes, Pebrero 11, ang sunog ay sumiklab sa residential house sa loob ng subdivision sa Barangay Molino 3, Bacoor City, gabi ng Lunes.
Ang sunog ay idineklarang under control makalipas ang halos dalawang oras.
Nadiskubre na lamang ng mga bumbero ang katawan ng biktima na nasa loob ng kwarto nito.
Tinatayang aabot sa P1,890,000 ang halaga ng pinsala sa sunog.
Samantala, natagpuan din ng mga bumbero ang sunog na katawan ni Marivic Apelado, 58, sa loob ng nasunog na bahay nito sa Barangay San Francisco, General Trias City.
Nagsimula naman ang sunog 2:52 ng madaling araw at naapula 3:54 ng madaling araw.