Home METRO 2 DI-Hassan Group member, utas  sa MagSur

2 DI-Hassan Group member, utas  sa MagSur

2
0

MAGUINDANAO DEL SUR – Dalawang umano’y miyembro ng Dawlah Islamiyah-Hassan Group (DI-HG), kabilang ang isang tinaguriang most wanted person sa Bangsamoro region, ang napatay sa joint military at police operation sa Ampatuan nitong Linggo, Nobyembre 8.

Kinilala ng 6th Infantry Division (6ID) ang mga nasawi na sina Amar Sansawi Usman, alyas “Amar Usman” o “Akhie Usman,” at kasama nitong alyas “Syok.”

Ayon sa militar, kabilang si Usman sa most wanted persons sa Maguindanao del Sur at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Iniuugnay naman si “Syok” sa umano’y riding-in-tandem criminal activities at itinuturong suspek sa pananambang sa mga pulis sa Shariff Aguak noong Marso 28 kung saan lima ang nasawi at tatlo ang nasugatan.

Isinagawa ang operasyon dakong alas-5:30 ng umaga sa Barangay Kapinpilan ng mga tauhan ng Philippine Army, Ampatuan Municipal Police Station, Police Mobile Force Company at Special Action Force.

Narekober umano sa lugar ang isang .45-caliber pistol, Uzi submachine gun, mga magazine at bala.

Ayon kay Brig. Gen. Gremel Brual, commander ng 601st Infantry Brigade, naging mahalaga sa operasyon ang koordinasyon ng militar, pulisya, local officials at mga residente.

Hinimok naman ni Maj. Gen. Edgar Catu, commander ng 6ID at Joint Task Force Central, ang iba pang miyembro ng armadong grupo na sumuko at magbalik sa normal na pamumuhay. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here