Home METRO Barangay kagawad, kasama natagpuang patay sa liblib na lugar sa Cagayan

Barangay kagawad, kasama natagpuang patay sa liblib na lugar sa Cagayan

2
0

GATTARAN, Cagayan – Iniimbestigahan ng pulisya ang pagkamatay ng isang barangay kagawad at kanyang kasama matapos matagpuan ang kanilang mga bangkay sa isang liblib at masukal na lugar sa Barangay Capissayan Norte nitong Sabado, Nobyembre 7.

Kinilala ng Gattaran Municipal Police Station ang mga biktima na sina “Jim,” 52, kagawad ng Barangay San Miguel, Baggao, Cagayan, at “Jack,” 30, residente ng Barangay Lasilat, Baggao.

Ayon sa imbestigasyon, unang nakita ng isang magsasaka ang bangkay ni Jim habang nagpapastol ng kalabaw at agad itong iniulat sa mga opisyal ng barangay.

Sa isinagawang paghahanap ng mga awtoridad, natagpuan naman ang bangkay ni Jack, nasa 35 metro ang layo mula sa kinaroroonan ni Jim.

Pinroseso ng forensic investigators ang lugar habang dinala sa ospital ang mga bangkay para sa post-mortem examination.

Hinihintay pa ng pulisya ang resulta ng autopsy upang matukoy ang sanhi ng kanilang pagkamatay.

Patuloy ang follow-up investigation at backtracking operations ng mga awtoridad.

Nanawagan naman ng hustisya ang mga pamilya ng dalawang biktima. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here