Home METRO 2 drug prsonalities, huli habang nagpapot-session

2 drug prsonalities, huli habang nagpapot-session

1
0

MANILA, Philippines – Tiklo ang dalawang hinihinalang drug personalities nang maaktuhan sumisinghot umano ng droga sa Valenzuela City, Miyerkules ng madaling araw.

Nakapiit ngayon sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela City Police Station ang mga suspek na sina alyas “Michael”, 28, at alyas “Francis”, 35, kapwa residente ng Brgy., Ugong ng lungsod.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, sinabi ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento na nagsasagawa ng Anti-Criminality Operation ‘Oplan Galugad’ ang mga operatiba ng Police Sub-Station 8 nang maaktuhan nila ang mga suspek na bumabatak umano ng shabu dakong alas-2:25 ng madaling araw sa loob ng isang bahay sa Villa San Jose Purok 4, Brgy., Mapulang Lupa.

Kaagad inaresto ang mga suspek at nakumpiska sa kanila ang isang nakabukas na plastic sachet na may bahid ng umano’y shabu at ilang drug paraphernalias.

Ayon kay SDEU investigator PSSg Alfredo Mendoza III, mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sections 12 at 15 sa ilalim ng Article II ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here