Home NATIONWIDE Panukalang libreng digital learning resources, Wi-Fi para sa mga estudyante sa kolehiyo...

Panukalang libreng digital learning resources, Wi-Fi para sa mga estudyante sa kolehiyo inaprubahan ng Kamara

1
0

MANILA, Philippines – Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang House Bill 9532 o panukalang “Universal Access to Digital Academic Learning Resources Act,” na  naglalayong tugunan ang hindi pantay na access sa mga materyal sa pag-aaral at maaasahang koneksyon sa internet ng mga estudyante.

Ayon kay House Speaker Faustino Dy, sa pag apruba sa panukala ay mabibigyan na ang  mga estudyante sa mga pampubliko at pribadong higher education institution (HEI) ng libreng access sa mga digital textbook at iba pang akademikong kagamitan, pati na rin ng libreng high-speed Wi-Fi sa kanilang mga kampus.

“Today, a student who cannot afford textbooks or reliable internet access is already starting at a disadvantage. Isipin natin ang isang estudyante na kailangang mamili kung bibili ng libro at magpapaload para makapag-research, o gagamitin ang pera para sa pamasahe at pagkain. Through this bill, our youth do not need to make this painful choice,” ani Dy.

Sa ilalim ng HB 9532 ay itatatag ang isang National Academic Content Repository (NACR) sa ilalim ng Commission on Higher Education (CHED), sa pakikipagtulungan sa Department of Information and Communications Technology (DICT) at mga HEI. Magbibigay ito sa mga estudyante at guro sa buong bansa ng libreng online access sa mga digital textbook, lecture video, syllabus, research paper, at iba pang open educational resource sa iba’t ibang disiplina.

Nakapaloob din dito ang pagkakaroon ng ibre at campus-wide na high-speed Wi-Fi para sa mga nakarehistrong estudyante at guro sa mga pampubliko at pribadong HEI, kung saan bibigyan ng prayoridad ang mga kampus sa mga rural at kulang sa pondo gayundin ang pagbibigay ng mga grant para sa mga katutubo at open educational resource.

“When a student in a rural campus can access the same quality academic materials available to a student in a major university, we begin to close the gap. When our teachers can create and share Filipino learning materials nationwide, we strengthen the entire higher education system.” paliwanag ni Dy.

Binigyang-diin ng Speaker na ang pagpapalawak ng digital access ay mahalaga habang ang teknolohiya ay nagiging bahagi ng pag-aaral, pananaliksik, at paghahanapbuhay.

“Young Filipinos are preparing for a world where digital skills are no longer optional. We have to make sure that lack of money, connectivity, or access to learning materials does not prevent a capable Filipino student from reaching his or her potential,” pagtatapos ni Dy. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here