Home NATIONWIDE 2 estudyante nahuling gumagamit ng ‘tsongki’

2 estudyante nahuling gumagamit ng ‘tsongki’

174
0

ILOCOS SUR-Swak sa kulungan ang dalawang lalaking estudyante matapos maaktuhang gumagamit ng marijuana sa isang boarding house sa Candon City ng lalawigang ito kahapon, Pebrero 4.

Ayon sa Candon City Police Station, ang mga naarestong suspek ay 21-anyos na residente ng Sta. Cruz, Ilocos Sur at 23-anyos na residente ng San Esteban, Ilocos Sur.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang Candon CPS mula sa isang concerned citizen tungkol sa nangyayaring pot session sa loob ng Room No. 3 ng boarding house na kinaroroonan ng mga suspek.

Sa pagresponde ng mga awtoridad ay nakarekober sila ng dalawang self-sealing transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang marijuana leaves and buds.

Tinatayang may timbang na isang gramo at nagkakahalaga ng P120.00 ang narekober na hinihinalang marijuana leaves and buds.

Bukod rito, may mga non-drug evidence rin na nakumpiska ang mga awtoridad.

Kabilang sa mga ito ang: isang color yellow na bond paper; isang kulay white na iPhone 11; isang kulay rose gold na iPhone 8; isang kulay orange na lighter; isang kulay blue na tickler; isang glass pipe (tube), at P169.00 na personal money na iba’t iba ang denominasyon. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here