Home NATIONWIDE 2 gang 3 bagyo, posibleng mabuo ngayong Setyembre

2 gang 3 bagyo, posibleng mabuo ngayong Setyembre

1
0

MANILA, Philippines — Dalawa hanggang tatlong tropical cyclone ang posibleng mabuo o pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Setyembre, ayon sa PAGASA.

Ang susunod na mga pangalan ng bagyo sa listahan ng PAGASA ay Queenie, Rosal, at Samuel.

Ayon sa PAGASA, may tatlong karaniwang landas ang mga bagyo sa Setyembre. Una, maaaring mabuo ang bagyo sa silangan ng PAR at kumilos pahilagang-kanluran bago lumiko patungong Japan o South Korea. Hindi man ito magla-landfall sa Pilipinas, maaari nitong palakasin ang habagat at magdala ng ulan sa ilang bahagi ng bansa.

Sa ikalawang landas, maaaring dumaan ang bagyo sa Northern Luzon bago tumuloy patungong Southern China o Vietnam. Sa ikatlo naman, maaaring tumawid ang bagyo sa Central o Southern Luzon bago tumuloy sa Southern China o Vietnam.

Sa karaniwan, humigit-kumulang 20 tropical cyclone ang pumapasok sa PAR bawat taon, kung saan walo hanggang siyam ang tumatawid sa Pilipinas. Pinakamarami namang nabubuong bagyo mula Hulyo hanggang Oktubre, na bumubuo sa halos 70 porsiyento ng lahat ng tropical cyclone.

Sa ngayon, nakapagtala na ang bansa ng 16 tropical cyclone ngayong taon. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here