Home NATIONWIDE 2 GMA contractors na dawit sa pagmolestya kay Muhlach sinubpoena ng NBI

2 GMA contractors na dawit sa pagmolestya kay Muhlach sinubpoena ng NBI

MANILA, Philippines – Naglabas ng subpoena ang National Bureau of Investigation (NBI)laban sa dalawang independent contactor ng GMA Network hinggil sa reklamo na inihain ng actor na si Sandro Muhlach.

Sa isang ulat, sinabi ni NBI Director Jaime Santiago na hihingan nila ng panig ng mga respondents sa naturang reklamo.

Dagdag pa ni Santiago na masusi nilang tinitignan ang reklamo ng actor na anak ng dating child celebrity na si Nino Muhlach, na inihain ng complainant laban sa dalawang indibidwal sa NBI noong nakaraang lingo.

Nauna nang sinabi ng GMA Network na nakatanggap sila ng pormal na reklamo mula kay Sandro laban sa dalawang independent contractors na sina Jojo Nones at Richard Cruz.

Samantala, nalabas ng pahayag si Atty. Maggie Abraham-Garduque, legal counsel nina Nones at Cruz na nagsasabing ang alegasyon ay hindi sumasalamin sa totoong kaganapan at kanilang sasagutin ang isyu sa tamang forum sa sandalling matanggap nila ang kopya ng pormal na reklamo.

Kauagnay nito, hiniling na rin ng Senate Committee on Public Information and Mass Media na imbestigahan ang kaso ng sexual harassment laban sa artist ng GMA Network.

Sa panig ng GMA, sinabi na nakikipag-ugnayan na ito sa committee at magpapadala ng kinatawan sa pagdinig. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)