Home METRO 2 grupo ng MILF nagbakbakan; 3 todas

2 grupo ng MILF nagbakbakan; 3 todas

234
0

MAGUINDANAO DEL SUR, Philippines – Patay ang tatlong miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) matapos makasagupa ang grupo ng 118th at 128th Base Commands sa Brgy. Linantangan, Shariff Saydona Mustapha, kahapon ng umaga.

Ayon kay PNP BARMM Spokesperson Lt. Col. Jopy Ventura, ang mga nasawi ay pawang mga kasapi ni Commander Malibuteng ng 128th MILF Base Command.

Batay sa report, naganap ang bakbakan bandang 8:00 AM Linggo ng Agosto 10, 2025 sa nabanggit na lugar.

Sinabi ni Ventura, nagkasagupa ang grupo nina 128th Base Command Kumander Zainudin Kairo kasama si Kumander Malibuteng laban sa grupo nina 118th Base Command Kumander Kagi Gani Adam, Tuhami Mamulintaw at Esmail Salim.

Sakay ng tatlong minivan sina Malibuteng ng 128th BC patungo sanang Pimbalakan, Mamasapano pero pagdating nito sa Brgy. Linantangan ng Shariff Saydona Mustapha ay pinagbabaril sila ng mga kumander at kasapi ng 118th BC.

Agad namang lumikas ang ilang mga sibilyan malapit sa pinangyarihan ng bakbakan matapos tamaan ng ligaw na bala ang isa sa mga ito kabilang 6 na iba pa na ngayon ay nagpapagaling sa ospital.

Sa pahayag ng ilang opisyal ng local pamahalaan matagal ng may alitan ang dalawang grupo dahil umano sa agawan ng mga teritoryo at pulitika.

Nagpapatuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente. /Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here