Home METRO 2 gunmen na pumatay sa bystander sa Zamboanga, arestado

2 gunmen na pumatay sa bystander sa Zamboanga, arestado

MANILA, Philippines – Naaresto ng pulis-Zamboanga ang dalawang lalaki na namaril at pumatay ng isang bystander sa Zamboanga City nitong Martes, Hunyo 25.

Papunta sa trabaho ang naturang pulis sakay ng motorsiklo sa Talon Talon Loop Road nang mamataan ang dalawang kahina-hinalang lalaki na sakay din ng motorsiklo sa harap nito.

Bumunot ng baril ang backrider at ipinutok sa isang bystander. Kinilala ang biktima na si Nadzmer Azcali.

Bumaba ng motorsiklo ang pulis at pinaputukan ang mga suspek, dahilan para magkaroon ng palitan ng putok sa mga ito.

Napatay ang isa sa mga suspek na kinilalang si Said habang sugatan naman ang kasama nitong si Mujib Kalon.

Hindi naman nasaktan ang pulis.

Narekober sa mga suspek ang .45 caliber pistol at cartridges and slugs mula sa crime scene.

Tinitingnan ng mga imbestigador ang posibilidad na personal na galit o illegal na droga ang motibo sa pagpatay. RNT/JGC