Home METRO 2 hacker ng gov’t websites kalaboso; sensitibong datos ng PNP, PH Navy...

2 hacker ng gov’t websites kalaboso; sensitibong datos ng PNP, PH Navy natuklasan!

90
0

MANILA, Philippines- Nalambat ang dalawang hacker na tina-target umano ang government websites mula pa 2013 sa sa entrapment operation sa Tagaytay City. Narekober mula sa kanila ang ilang sensitibong datos mula sa Philippine National Police at Philippine Navy.

Batay sa ulat nitong Huwebes, naaresto ang mga suspek na kinilalang sina alyas “Newbie” at “Godlike” sa ikinasang entrapment operation ng National Bureau of Investigation.

Inilahad ni alyas “Newbie,” kabilang sa datos na naipasa sa kanya ang 300,000 miyembro ng PNP.

Nakumpiska pa sa mga gadget ni “Newbie” ang ilang sensitibong impormasyon ng Philippine Navy, kung saan may mga kinalaman sa West Philippine Sea ang ilan pang datos.

Nagtutulungan naman ang Armed Forces of the Philippines at NBI sa pagberipika ng mga datos.

Paglalahad ni alyas “Newbie,” ilang milyong piso na ang kinita nila mula sa phishing activities sa mga kliyente ng bangko.

Hindi nagkomento si alyas “Godlike.”

“Pinadadalahan ko gamit ang email nila, kung saan kapag nag-click at nag-log-in po sila, didiretso po sa system ko po. 11 p.m. then after nu’n, ina-ano ko agad ng 12 a.m. dahil nagre-reset po ‘yung limit niya,” wika ni Newbie. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here