Home NATIONWIDE Kamara kay Comelec chair Garcia: Bank transfer ipaliwanag, intergridad ng komisyon nababahiran

Kamara kay Comelec chair Garcia: Bank transfer ipaliwanag, intergridad ng komisyon nababahiran

97
0

MANILA, Philippines- Inatasan ni House Majority Floor Leader Manuel Jose Dalipe si Commission on Elections (Comelec) Chairperson George Garcia na magbigay ng paliwanag sa isyung ibinabato laban dito lalo at ang integridad ng susunod na eleksyon ang nakasalalay dito.

“Given the serious nature of the allegations made by Congressman Marcoleta against Chairman George Garcia, it is imperative that all the issues being raised against him and the reasons why these are being raised must be addressed, especially as we are now entering the election season,” pahayag ni Dalipe.

Matatandaan na una nang isiniwalat ni Sagip party-list Rep. Rodante Marcoleta na mayroong P1 bilyong bank transfer sa offshore account ng isang mataas na opisyal ng Comelec.

Sinabi ni Dalipe na sa ngayon ay walang resolusyon para sa pag-iimbestiga sa kontrobersyal na bank transfer kay Garcia na nangyari habang naghahanap ang Comelec ng bagong automated election system (AES) supplier.

Sa panig ni Garcia ay una na nitong pinanindigan na wala siyang offshore bank accounts.

Sinabi ni Dalipe na bagama’t bukas si Garcia na silipin ang kanyang bank accounts upang mabigyang-linaw ang akusasyon laban sa kanya, nararapat pa ring silipin ang puno’t dulo ng isyu.

“This investigation will provide Chairman Garcia the opportunity to answer all accusations, thereby removing any doubts about his credibility and integrity,” ani Dalipe.

Iginiit ni Marcoleta na ang P1 bilyong pondo na nailipat sa 49 offshore accounts na pagmamay-ari ng isang Comelec official ay mula sa iba’t ibang foreign banks kasama na rito ang nakabase sa South Korea. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here