Home NATIONWIDE 2 high-profile fugitives pinatapon ng BI

2 high-profile fugitives pinatapon ng BI

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Bureau of Immigration (BI) nitong Miyerkules ang pagpapatapon sa isang high-profile Japanese fugitive na umano’y sangkot sa isang telecom fraud syndicate na nakabase sa Cambodia.

Ang suspek na si Sasaki Yohei, 36, ay bumalik sa kanyang bansa noong Lunes, Disyembre 9 matapos siyang i-report ng mga awtoridad sa Japan na miyembro siya ng isang sindikato na umano’y sangkot sa kidnapping, illegal detention, extortion, at fraud.

Samantala, pinagbawalan ng mga opisyal ng Immigration ang isang pasahero ng Australia na makapasok sa bansa matapos itong mapag-alamang napapailalim sa red notice mula sa Interpol.

Dumating ang 32-anyos na si Rodrigo Elices sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula sa Abu Dhabi noong Nobyembre 28.

Inakusahan si Elices bilang miyembro ng kilalang “Hells Angels” gang — isang internationally-outlawed club ng mga motorcycle riders na sinasabing sangkot sa organisadong krimen, kabilang ang drug trafficking.

Nagsilbi rin umano siya sa bilangguan sa Bangkok, Thailand dahil sa paggamit ng ninakaw na pasaporte para makapasok sa bansa. RNT