Home NATIONWIDE Granular class suspensions isinusulong ng EDCOM 2 sa gitna ng weather disruptions

Granular class suspensions isinusulong ng EDCOM 2 sa gitna ng weather disruptions

2
0

MANILA, Philippines – ITINUTULAK ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2) ang pangunahing pagpapalit kung paano mahawakan ng gobyerno ang weather-related class cancellations, malayo mula sa blanket suspensions at tungo sa mas localized, school-level decisions.

Ito’y bunsod na rin ng pagdedeklara ng class suspensions dala ng malakas na ulan mula sa southwest monsoon dahilan para magambala ang mga paaralan sa ilang bahagi ng bansa.

Sinabi ni EDCOM 2 Executive Director Dr. Karol Mark Yee na kailangan ng bansa na ibalanse ang kaligtasan ng mga mag-aaral at agarang pangangailangan para sa instructional time, partikular na’t ang bansa ay nakikipagpambuno sa ‘learning gaps sa karunungang bumasa’t sumulat, pagbibillang, agham, at matematika.’

“I think simula noong 2023, binabantayan na ng EDCOM iyong pagdating sa suspension ng classes. In fact, in our first year, nakita po natin 53 days iyong halos nawawala sa isang buong taon because of suspensions, calamities, heat index, typhoons, etc,” he said.

“Maraming araw ang nawawala kasi 180 days lamang ang ating instructional days. So, binantayan natin ‘yan for the last years and talagang nag-a-average 40 to 50 days,” ayon kay Yee.

Aniya pa, hindi pare-pareho ang consequences sa lahat ng grade levels.

Ang mga mas batang mag-aaral, partikular na iyong nasa Grade 1 hanggang 3, ay mas vulnerable dahil nananatiling dinidebelop ang foundational literacy at numeracy skills at nangangailangan ng higit pa mas direktang teacher interaction.

Ang mas matandang mag-aaral, ay magagawang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa pamamagitan ng nakahandang materyales at alternative delivery modes, iyon nga lamang, kaiangan na may sapat na resources at may kakayahan na matuto nang nag-iisa.

Ang mahalagang reporma na itinutulak ng EDCOM 2 ay ang amiyendahan ang Executive Order No. 66, s. 2012, na nagtatakda ng mga altintunin para sa kanselasyon o suspensyon ng klase at trabaho sa gobyerno sa panahon ng bagyo, pagbaha at iba pang weather disturbances, at mga kalamidad.

Pinahihintulutan ng kautusan ang localized suspensions sa ilang mga pangyayari, subalit nais ng EDCOM 2 ang mas malinis at mas ‘responsive framework’ para sa pagdetermina kapag ang klase ay dapat nang itigil at kung paano ang pag-aaral ay magpapatuloy.

Winika pa ni Yee, na ang polisiya ay dapat na maging malinaw kung sino ang may kapangyarihan na magsuspinde ng klase, mangailangan ng desisyon na ipaalam sa pamamagitan ng scientific evidence, at pinalakas na koordinasyon sa hanay ng lokal na pamahalaan, DepEd officials, at iba pang ahensiya.

Ang mas mahalaga, sinabi ni Yee na ang suspensyon ay hindi dapat na awtomatikong nangangahulugan ng ang pag-aaral ay titigil sa lahat.

“Bahagi nito iyong granularized suspension na ibig sabihin, sa isang lugar, hindi naman kailangan suspended lahat ng school. Kunyari, may heat index, pero iyong isang school na private, may aircon, payagan silang magtuloy ng klase para hindi lahat ng tao apektado,” ang paliwanag ni Yee.

“Sa isang community, siguro, hindi suspended lahat, pero ang isang school lubog sa baha, payagan silang mag-suspend. So, hindi siya dapat blanket suspensions lagi-lagi. Intindihin din natin na kung may mga schools na kaya naman magpatuloy, using the prudent judgment of the principal, hayaan din silang magpatuloy,” anito.

Ang panukalang pagbabago ani Yee ay dapat din na magtatag kung ano ang tinay na kahulugan ng suspensyon para sa mga mag-aaral, lalo pa’t ang anunsyo ay hindi naman palaging binibigyang kahulugan sa iba’t ibang komunidad.

“The goal, is to align the overarching executive order with newer DepEd policies that distinguish between stopping, slowing down, and continuing learning during emergencies,” ang sinabi ni Yee.

Winelcome naman ni Yee ang DepEd Order No. 014, s. 2026, o ang “Guidelines on Learning Continuity in Emergencies,” kung ipinakikila ang apat na learning continuity levels—Hayo, Hinay, Hinga at Hinto—base sa kaligtasan, kapakanan, kahandaan ng mga mag-aaral at mga guro.

Inilarawan ni Yee ang kautusan bilang mahalagang hakbang dahil dahil binibigyan nito ang mga eskuwelahan ng mas malinaw na patakaran ukol sa kung ano ang gagawin sa panahon ng emergencies kapag nagambala ang klase.

Gayunman, ang bagong DepEd guidelines ay nangangailangan na suportado ng polisiya na nagbibigay katiyakan sa magkakatugmang pagtugon ng gobyerno.

“It needs supporting policies to make sure na iyong blanket approach ng buong gobyerno pare-parehas. Kasi ngayon iyong DepEd order is for DepEd. Pero iyong DILG may orders din ‘yan, iyong DSWD may response din ‘yan,” ani Yee.

“Para iisa iyong approach natin, at malinaw na malinaw talaga kung sino magko-call off, ano iyong mga flexibilities, sino bang may authority, ano ba iyong dapat gawin,” aniya pa rin. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here