Home METRO 2 hitman dedo sa pulis

2 hitman dedo sa pulis

ZAMBOANGA- DUGUAN tumimbuwang sa kalsada ang dalawang hitman matapos makasagupa ang isang pulis, iniulat kahapon, Enero 2 sa lungsod na ito.

Kinilala ang isa sa mga suspek na si Haber Tating, residente ng Zone 5, Barangay Ayala Zamboanga City at may standing warrant of arrest sa 2 kaso ng pagpatay.

Nilapatan naman ng lunas sa ospital ang tinamong sugat sa tiyan ng pulis na si PSMS. Ryan Mariano, kasapi ng Intel Operative Zamboanga City Police Station 9.

Ayon kay Zamboanga Police acting City Director Police Colonel Kimberly Molitas, naganap ang insidente noong Martes sa Zone 1, Barangay Ayala, Zamboanga City.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, habang nagsasagawa ng kanyang sinumpaan tungkulin si Mariano, bigla na lamang siyang pinaputukan ng suspek at tinamaan ito sa tiyan.

Sa kabilang sugat ng tinamo, nagawa pa rin nitong gumanti ng putok at hinabol ang mga suspek saka binaril na nauwi sa palitan ng putok.

Hindi natinag si Mariano at pinsala nito ang isang sasakyan na dumaan para gawin niyang pangharang saka pinagbabaril ang mga suspek na nagresulta ng agaran nilang kamatayan.

Agad naman isinugod sa ospital si Mariano at isang bata na na tinamaan ng stray bullet na ngayon ay nasa maayos ng kondisyon.

Ayon sa Philippine National Police, si Mariano at iba pang kasama nito ay idineploy bilang mga undercover operatives at kabilang sa kanilang target si Tating.

Binigyan naman ng pagkilala ang ipinakitang tapang ni Mariano na bukod sa spot promotion at bibigyan din ito ng pabuyan. Mary Anne Sapico