Home NATIONWIDE Taas-presyo sa produktong petrolyo, asahan sa susunod na linggoNATIONWIDETOP STORIES Taas-presyo sa produktong petrolyo, asahan sa susunod na linggoJanuary 3, 2025 16:02 FacebookTwitterPinterestWhatsApp MANILA, Philippines – Matapos ang rollback sa unang linggo ng 2025, asahan naman ang taas-presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.Sa pagtaya, posible ang P0.40 hanggang P0.70 kada litro na dagdag sa presyo ng gasolina at P0.75 hanggang P1.00 na dagdag sa kada litro ng diesel.Habang ang kerosene ay may dagdag na P0.70 hanggang P0.80 sa presyo ng kada litro nito.Karaniwang inaanunsyo ang oil price adjustments tuwing Lunes at ipinatutupad sa kasunod na araw. RNT/JGC