Home METRO 2 huli sa aktong nagsashabu sa Valenzuela

2 huli sa aktong nagsashabu sa Valenzuela

255
0

MANILA, Philippines – Dalawang lalaki Ang isinelda nang maaktuhan ng pulisya na sumisinghot umano ng shabu sa Valenzuela City.

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) District Director P/BGen. Christopher Dela Cruz, kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Joseph Talento ang mga suspek na sina alyas “Erwin”, 30, at alyas “Kervin”, 22, kapwa ng Morning Ville, Brgy., Canumay West.

Batay sa ulat, nakatanggap ng SMS complaint mula sa isang concerned citizen Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Lt. Sherwin Dascil na sangkot umano sa illegal drug activities ang mga suspek.

Kaagad nagdispatch si Lt. Dascil ng kanyang mga tauhan sa nasabing lugar at naaktuhan ng mga ito ang mga suspek na sumisinghot umano ng shabu sa loob ng kanilang bahay dakong 1:00 ng madaling araw na dahilan ng pagkakaaresto sa kanila.

Nakumpiska sa mga suspek ang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang unsealed plastic sachet na may bahid ng umano’y shabu at drug paraphernalias.

Kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 Ang isasampang kaso laban sa mga suspek. Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here