MANILA, Philippines – Ipinahayag ng Bureau of Immigration (BI) na inaresto ang dalawang Israeli na natagpuang sangkot sa mga scam operation sa Angeles City, Pampanga, noong Miyerkules, Setyembre 17.
Kinilala ng BI ang mga naaresto na sina Beniashvili Tzahy, 30 at Liel Arzi, 25, na inaresto ng Fugitive Search Unit (BI-FSU) ng bureau sa isang commercial building sa Barangay Lourdes Northwest sa Angeles City.
“The two foreigners were caught in the act operating a workstation composed of numerous computer units actively linked to several trading applications,” ayon sa BI.
Batay sa ulat ng BI, nakapanloko ang mga suspek ng mga indibidwal sa pamamagitan ng pag-aalok ng mga pekeng investment mentorship programs at mga trading opportunity, na sa huli ay nakakuha sila ng hindi awtorisadong pag-access sa mga bank account ng kanilang mga biktima.
Nasa kustodiya na ngayon ng BI ang dalawang Israeli habang sumasailalim sa deportation proceedings. JAY Reyes