MANILA, Philippines – Ipinasusuri na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga ari-arian ng mga sangkot sa maanomalyang flood control project.
Sa pamamagitan ng isang liham, hiniling ni DPWH Secretary Vince Dizon sa mga ahensya ng gobyerno na isumite ang listahan ng mga ari-arian tulad ng lupa, sasakyan, at iba pa na nakarehistro sa mga pangalan nina Alcantara, Hernandez, at Mendoza.
Ito ay bilang tugon sa direktiba ng Pangulo na mabawi ang pera ng taumbayan at pigilan ang pagtatago ng mga ari-arian.
Sa pagdinig sa Senado, sinabi ni Dizon na aabot sa tens of trillions ang nanakaw na pera ng bayan dahil sa mga nasabing mga proyekto na karamihan ay mga ghost at substandard projects. Jocelyn Tabangcura-Domenden