Home METRO Caretaker, nalunod sa balon, patay

Caretaker, nalunod sa balon, patay

216
0

CAGAYAN, Philippines – Patay ang isang caretaker matapos mahulog at malunod sa balon na kanilang nililinis, kahapon sa bayan ng Tuao.

Kinilala ang biktimang si Jaynard Donato, 47-anyos, residente ng Barangay Tana, Amulung at caretaker ng isang sakahan sa Barangay Mambacag, Tuao.

Ayon kay PCAPT Jennifer Calauad, deputy chief of police ng PNP-Tuao, bandang alas-8:00 ng gabi naganap ang insidente sa sakahan pinagtatrabahuhan ng biktima sa nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nagkaproblema ang patubig sa sakahan na posibleng nagkaroon ng bara ang submerged pump sa pinaglalabasan nito mula sa balon.

Dahil dito, bumaba ang biktima sa balon na may lalim na 9 na metro habang ang tubig nito ay may lalim na 3 metro.

Kwento ng kasamahan, habang pababa ang biktima sa balon napansin nito nahirapan sa paghinga dahil sa masangsang na amoy mula sa balon hanggang sa tuluyan na itong mahulog sa tubig.

Agad naman humingi ng tulong sa mga awtoridad ang biktima para iahon ito mula sa balon na inabot ng higit sa 1-oras.

Sa isinagawang rescue operation ng mga awtoridad nakuha ng katawan ng biktima sa balon at agad itong dinala sa ospital subalit idineklara na rin patay ng umatending doktor. /Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here