MANILA, Philippines – Inihayag ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon nitong Huwebes na isang bagong legal team sa ahensya ang nasa proseso ng pagsisimula ng warranty claims laban sa mga contractor ng flood control projects na napatunayang “ghost” o substandard.
Sinabi ni Dizon na nagsisimula na ang kanilang bagong legal team ng procedures para mabawi ang warranties na karamihan ay para sa flood control projects.
Iginiit ni Dizon na hindi na maglalabas ang gobyerno ng pondo para ayusin ang mga maanomalyang flood control projects.
Sinabi ni Dizon na sa nakalipas na 2 linggo lamang, mahigit 100 ghost at substandard na proyekto ang kanyang natuklasan sa buong bansa.
Hinimok naman ng mga senador si Dizon na agad na i-claim ang performance bonds sa mga faulty contractor sa halip na hintayin na matapos ang mga kasong kriminal.
Sinabi ni Dizon na ‘hundreds of billions’ ang sangkot sa maanomalyang flood control projects. Jocelyn Tabangcura-Domenden