Home METRO P2-M marijuana plantation sinira sa Kalinga

P2-M marijuana plantation sinira sa Kalinga

315
0

KALINGA, Philippines – Tinatayang aabot sa dalawang million piso ang halaga ng 9,500 pieces ng fully grown marijuana plants na sinira ng mga kapulisan matapos madiskubre sa Barangay Loccong, Tinglayan, Kalinga.

Ayon kay PCapt. Ruff Manganip, tagapagsalita ng Kalinga Police Provincial Office, ito’y naisakatuparan sa pamamagitan ng marijuana eradication ng PDEA at iba pang unit ng PNP Kalinga, matapos madiskubre ang marijuana plantation na naitanim sa 950 square meters sa bulubunduking bahagi ng barangay Loccong sa Tinglayan.

Walang nadakip na cultivators sa nasabing operasyon ngunit gumamit ng alternative recording device ang mga operatiba.

Sinunog ng mga otoridad sa nasabing lugar ang mga tanim na marijuana at kumuha ng sample na isumite sa Kalinga Provincial Forensic unit para sa qualitative test.

Kaugnay nito, inihayag ni PNP Provincial Dir. P/Col. James Mangili ng Kalinga na tuloy-tuloy ang isasagawang marijuana eradication habang may mga matuklasan na plantasyon ng marijuana sa alinmang lugar sa lalawigan. (REY VELASCO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here