Home METRO 2 kalaboso sa P2M tobats sa Pasay

2 kalaboso sa P2M tobats sa Pasay

102
0

MANILA, Philippines – Arestado ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa isang buy-bust operation sa Libertad, kanto ng Taft Avenue, Pasay City bandang 2:30 ng hapon nitong Huwebes, Abril 23, 2026.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Chong,” 33, at John, 26, kapwa residente ng Pasay at walang trabaho.

Si Chong ay nasa high-value individual (HVI) pusher list, habang si John ay bagong tukoy bilang HVI.

Nahaharap si Chong sa kasong paglabag sa Section 5 ng Republic Act No. 9165, habang si John ay kakasuhan sa ilalim ng Section 11 at Section 26 kaugnay ng Section 5 ng parehong batas.

Isinagawa ang operasyon ng Drug Enforcement Unit ng Southern Police District sa pamumuno ni PMaj Cecilio Tomas Jr., katuwang ang iba pang police units at Sub-Station 3 ng Pasay City Police.

Sa operasyon, nasamsam mula sa suspek ang humigit-kumulang 100 gramo ng hinihinalang shabu, isang Samsung cellphone, buy-bust money, at isang puting sobre. Nakuha naman sa isa pang suspek ang tinatayang 200 gramo ng hinihinalang shabu at isang asul na ecobag.

Sa kabuuan, nasa 300 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang tinatayang P2,040,000 ang nakumpiska.

Dadalhin ang mga suspek sa tanggapan ng Drug Enforcement Unit para sa paghahanda ng kaukulang dokumento at pagsasampa ng kaso. RNT/MND/ERIC OCAPAN

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here