Home METRO Holdaper, tiklo matapos mangholdap ng convenience store gamit laruang baril

Holdaper, tiklo matapos mangholdap ng convenience store gamit laruang baril

117
0

MANILA, Philippines – Kulungan ang kinasadlakan ng isang holdaper na solong nanloob sa isang convenience store, gamit ang isang gun replica Miyerkules ng hapon sa Caloocan City.

Sa ulat ni Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Christopher Dela Cruz, nagkunwaring customer ang 49-anyos na suspek nang pumasok sa naturang establisimiento sa P. Sevilla St. 4th Avenue, Brgy. 51 dakong alas-5:10 ng hapon.

Kaagad naglabas ng baril ang saka nagdeklara ng holdap at sapilitang kinuha ang P3,000 cash bago mabilis na tumakas habang humingi naman ng tulong ang kahera sa mga nagrorondang barangay tanod.

Hinabol ng mga tanod at mga residente sa lugar ang holdaper hanggang masukol at ipaaresto sa mga nagrespondeng tauhan ng Caloocan City Police.

Nakumpiska ng pulisya sa suspek ang ginamit na gun replica at ice pick na ipi-prisinta bilang ebidensiya sa piskalya para sa paghahain ng mga kasong robbery holdup, paglabag sa R.A. 10591 at B.P. 6 o illegal possession of deadly weapon. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here