Home NATIONWIDE 2 kaso ng mpox naitala sa BARMM

2 kaso ng mpox naitala sa BARMM

152
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Bangsamoro health ministry ang dalawang kaso ng mpox (monkeypox) sa Maguindanao del Norte ngayong linggo.

Kasabay nito ay minomonitor ang anim iba pang posibleng infections.

Ang dalawang gumaling nang pasyente ay isang 59-anyos na babae mula Sultan Kudarat, at 28-anyos na babae mula Datu Odin Sinsuat, ayon kay Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Health Minister Dr. Kadil Sinolinding.

“Contact tracing is underway for their recent close contacts,” pahayag ni Sinolinding sa isang online briefing.

Ang anim na hinihinalang kaso – tatlo mula sa Cotabato City, at tig-iisa sa Sultan Kudarat, Parang, at Datu Montawal— ay sumasailalim sa confirmatory testing sa Research Institute for Tropical Medicine.

“All are cooperating with health protocols while we await results,” dagdag ni Sinolinding.

Hinimok ng ahensya ang mga residente na iulat ang posibleng sintomas ng mpox. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here