MANILA, Philippines – Nanindigan si Alvin Que, anak ng kinidnap at pinaslang na negosyanteng si Anson Que na wala itong kinalaman sa kaso.
Muling humarap kanina sa Department of Justice si Alvin Que para sa preliminary investigation ukol sa pag-kidnap at pagpatay sa kaniyang ama at sa driver nito.
Ayon sa kaniyang abogadong si Atty. Pearlito Campanilla, naghain si Alvin Que ng kaniyang sworn affidavit at itinanggi na may kinalaman siya sa pagpatay.
Dumating din sa DOJ ang pangunahing suspek na si Gong Wen Li, alyas Kelly Tan, kasama ang dalawa pang akusado upang humarap sa pagdinig.
Si Kelly ang nakitang huling kasama ni Que bago nawala at tinuturo ng iba pang suspek na nanghingi ng ransom sa pamilya nito.
Naaresto si Que ng PNP sa Boracay.
Huling nakitang buhay si Que at ang kanyang driver na si Armanie Pabillo sa kanyang opisina sa Valenzuela City noong Marso 29.
Nadiskubre ang kanilang mga labi sa loob ng mga nylon bag na itinapon sa Barangay Macabud, Rodriguez, Rizal noong Abril 9. TERESA TAVARES