Home METRO 2 kawatang menor huli sa pananaksak sa UP Diliman; estudyante 11 beses...

2 kawatang menor huli sa pananaksak sa UP Diliman; estudyante 11 beses sinaksak

MANILA, Philippines – Isinugod sa ospital ang isang babaeng estudyante matapos itong paulit-ulit na pagsasaksakin at pagnakawan ng tatlong menor de edad habang nagjo-jogging sa UP Diliman, Quezon City.

Base ulat ng pulisya na inobserbahan ng mga suspek ang biktima bago sila sumalakay.

Sinabi ng biktima na nilapitan siya ng tatlong suspek, bumunot ng patalim at nagdeklarang hold-up.

Agad siyang sinaksak nang sumigaw, at nakatakas ang mga suspek dala ang kanyang selpon at wallet.

Nagtamo ang biktima ng 11 saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan, ngunit mabilis na isinugod sa ospital ng isang concern citizen at kasalukuyang nagpapagaling.

Ang UP Diliman ay nag-ulat ng insidente ng pananaksak sa campus ngunit hindi nagbigay ng karagdagang detalye sa paunang post nito sa social media tungkol sa bagay na ito.

Samantala, ang dalawang suspek na may edad 14 at 15 ay agad na natagpuan sa kanilang mga tahanan dakong alas-6:20 ng gabi nitong Martes gamit ang CCTV footage.

Nakuha ng mga awtoridad ang telepono at wallet ng biktima mula sa mga suspek, na positibo ring kinilala ng biktima mula sa isang set ng mga larawan.

Mahaharap sila sa mga kinakailangang kaso, ngunit ibabalik sa DSWD. Santi Celario