Home METRO 2 kelot, huli sa iligal na sugal, droga

2 kelot, huli sa iligal na sugal, droga

1
0

MANILA, Philippines – Arestado ang dalawang kelot matapos maaktuhang naglalaro ng illegal na sugal at makuhanan pa ng droga ang isa sa kanila sa Valenzuela City, Martes ng gabi.

Kinilala ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento ang mga suspek na sina alyas “Conrad”, 40, delivery helper ng Brgy., Maysan at alyas “Rico”, 43, construction worker ng Pasay City.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, sinabi ni Col. Talento na habang nagsasagawa ng Anti-Criminality Operation ‘Oplan Galugad’ ang mga tauhan ng Police Sub-Station 9 nang maaktuhan nila ang dalawang lalaki na nagsusugal umano ng ‘cara y cruz’ sa loob ng Saint Angeluz Cemetery sa Padrigal St., Barangay Maysan, pasado alas-7 ng gabi.

Kaagad nilang nilapitan ang mga suspek sabay nagpakilala bilang mga pulis saka ipinaalam sa kanila ang nilabag nilang pagkakasala bago inaresto ang mga ito.

Nakumpiska sa mga suspek ang pangara, P320 bet money at isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1,836.00 na nakuha umano kay alyas Conrad.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa PD 1602 (Anti-Illegal Gambling Law) habang karagdagan pa na kasong paglabag sa Section 11 ng R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) ang kakaharapin ni alyas Conrad. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here