Home METRO Parking attendant, huli sa aktong nagdodroga sa Valenzuela

Parking attendant, huli sa aktong nagdodroga sa Valenzuela

1
0

MANILA, Philippines – Bagsak sa kulungan ang isang parking attendant matapos maaktuhan na gumagamit umano ng iligal na droga sa Valenzuela City, Martes ng hapon.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 12 at 15 sa ilalim ng Article II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) ang suspek na si alyas “Russel”, 43, ng Brgy., Malanday.

Sa ulat ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner Capili, nakatanggap ng tawag sa telepono ang Police Sub-Station 6 at ipinaalam sa kanila ng tumawag na madalas umanong may nagaganap na pot session sa isang makeshift shelter sa Mac Arthur Highway, Brgy., Malanday.

Kaagad namang nagsagawa ng validation ang mga tauhan ng SS6 sa nasabing lugar at naaktuhan nila ang suspek na sumisinghot umano ng shabu sa loob ng nasabing shelter dakong alas-5:15 ng hapon na dahilan ng pagkakaaresto sa kanya.

Nakumpiska nila sa suspek ang isang nakabukas na plastic sachet na may bahid ng umano’y shabu at ilang drug paraphernalias. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here