CAVITE, Philippines – Dalawang lalaki ang malubhang nasugatan makaraang pagbabarilin sa Noveleta, Cavite Sabado ng gabi.
Ayon sa report, kinilala ang mga biktima na sina alyas SebIdio, 40 at alyas Prince, 25, na kapwa ginagamot sa magkahiwalay na ospital dahil sa tinamong sugat sa katawan.
Kasalukuyang namang tinutugis ng mga ototidad ang suspek na si alyas Jeric na mabikis na tumakas matapos ang pamamaril.
Base sa ulat ng Noveleta Police Station, bandang alas-11:47 ng gabi, nakatanggap sila ng tawag mula sa 911 kaugnay sa naganap na pamamaril sa Brgy Sta Rosa 1, ng nasabing bayan kaagad namang nagrespode ang pulisya kung saan naabutan ang mga biktima na may tama ng baril, si alyas Sebidio sa dalawang tama sa katawan habang isang tama naman kay alyas Prince.
Patuloy na nagsasagawa ng backtracking ang pulisya sa CCTV hinggil sa pagkakakilanlan sa suspek. MARGIE BAUTISTA