Home NATIONWIDE 2 kelot timbog sa buy-bust ops sa La Union

2 kelot timbog sa buy-bust ops sa La Union

196
0

LA UNION-Swak sa kulungan ang dalawang lalaki matapos maaresto sa isinagawang anti-illegal drugs buy-bust operation ng mga awtoridad sa bayan ng Aringay ng lalawigang ito kahapon, Agosto 16.

Ayon sa Aringay Municipal Police Station, ang mga naaresto ay isang 42-anyos na helper at isang 39-anyos na construction worker, parehong residente ng Urdaneta City, Pangasinan.

Bandang 5:10 ng hapon nang ikasa ang buy-bust operation na tumagal hanggang 5:40 ng hapon.

Ang operating team ay binubuo ng mga personnel ng Aringay MPS (lead unit); RID, PRO1; LUPIU; LUPDEU; RDEU; Aringay MARLET; at 2nd LUPMFC sa pakikipag-ugnayan nila sa PDEA RO1.

Sa naturang buy-bust operation ay nakakumpiska ang mga awtoridad ng apat na heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at mga non-drug evidence.

Tinatayang tumitimbang ng 20 gramo at nagkakahalaga ng P136,000.00 ang nakumpiskang hinihinalang shabu. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here