Home METRO Construction worker utas sa nakaparadang truck

Construction worker utas sa nakaparadang truck

222
0

PANGASINAN-Kamatayan ang sinapit ng isang 24-anyos na lalaki matapos bumangga sa nakaparadang truck ang minamaneho nitong motorsiklo sa national highway sa Brgy. Paldit, Sison ng lalawigang ito kagabi, Agosto 16.

Ayon sa Sison Municipal Police Station, ang driver ng Honda TMX 155 motorcycle ay isang construction worker, may asawa, residente ng naturang bayan samantalang ang 55-anyos na driver ng Isuzu Giga truck ay residente ng Luna, Apayao.

Bumibiyahe papuntang hilagang direksyon ang motorsiklo nang mabangga nito ang likuran ng nakaparadang truck sa outerlane sa northbound side ng highway.

Isinugod sa ospital ang driver ng motorsiklo ngunit idineklarang dead on arrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here