MANILA, Philippines – Nahuli ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang South Korean fugitives sa Makati at Parañaque dahil sa pagpapatakbo ng ilegal na online gambling.
Ang mga suspek ay kinilalang sina Seo Hyemi, 38, at Park Unbae, 48, at pareho ay may Interpol Red Notice na inilabas ngayong taon.
Si Seo, na inaresto sa Makati noong Nobyembre 6, ay diumano ang mastermind sa 23 online gambling platforms na nag-aalok ng sports betting at casino games, at siya rin ang namamahala sa recruitment, player accounts, at promosyon ng mga website.
Pumasok siya sa Pilipinas noong Setyembre 2021 at matagal nang overstaying.
Si Park naman, na inaresto sa Parañaque, ay nagpapatakbo ng website para sa pagtaya sa mga international sports events at pagproseso ng winnings at payments. Matagal na rin siyang overstaying mula Marso 2023.
Parehong nasa kustodiya ng BI sa Bicutan, Taguig ang dalawang suspek habang hinihintay ang deportation proceedings.
Ani BI Commissioner Joel Anthony Viado: “These operations send a clear message: the Philippines is not a safe haven for foreign fugitives. Through strong coordination with international law enforcement, we will continue to locate and apprehend those who think they can evade justice.” Dave Baluyot