Home NATIONWIDE Pagkasawi ng district engineer sa Sorsogon, walang kinalaman ang isyu sa DPWH

Pagkasawi ng district engineer sa Sorsogon, walang kinalaman ang isyu sa DPWH

364
0

MANILA, Philippines – Hindi konektado sa anumang isyu ng Department of Public Works and Highways ang pangyayari o pagkamatay ng isang kawani ng ahensya sa Sorsogon, at itinuturing itong isang personal na usapin ng pamilya.

Nanawagan ang DPWH sa publiko na iwasan ang pagpapalaganap ng mga hindi kumpirmadong impormasyon at igalang ang kahilingan ng pamilya para sa privacy.

Kasabay nito, nagpahayag din ng pagdadalamhati ang DPWH sa pagpanaw ng kanilang kawani na si Engr. Larry Reyes.

Hiniling ng pamilya ni Reyes ang pagrespeto sa kanilang pribadong pagdadalamhati sa gitna ng mga kumakalat na espekulasyon at hindi beripikadong ulat sa social media.

Tiniyak ng ahensya na nakatutok sila sa pagbibigay-suporta sa pamilya at mga kasamahan ng yumaong inhinyero sa panahon ng kanilang pagdadalamhati. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here