Home METRO 2 lalaki arestado sa baril, bala at droga sa Cavite

2 lalaki arestado sa baril, bala at droga sa Cavite

2
0

MANILA, Philippines – Dalawang lalaki ang inaresto makaraang makuhanan mga bala, baril at droga sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy Navarro, General Trias, Cavite.

Ayon sa report ng pulisya, kinilala ang mga suspek na sina alyas Harley at Wilfredo, nasa hustong gulang, at nasa listahan na Street level Individuals ng pulisya, kapwa residente sa nasabing barangay.

Base sa ulat, bandang ala-1:30 ng madaling araw nang magsagawa ng buybust ang Drug Enforcement Unit ng Gen Trias City Police at Pdea sa SS9 Lancaster, ng naturang lugar.

Nabatid na nakatanggap sila ng impormasyon kaugnay sa pagtutulak ng droga ang mga suspek sa loob ng nasabing subdivision dahilan upang magsagawa ng surveillance at nang makumpirma nila na positibo ay kaagad itong nagkasa ng buybust.

Nakumpiska sa mga suspek ang apat na transparent plastic sachet na naglalaman ng may 4.44 gramo ng shabu na may halagang P30,192.00, buybust money, isang itim na coin purse at dalawang baril na cal .45 colt pistol na may serial number 1945, 1 cal .22 revolver na walang serial number, dalawang magazine at mga bala.

Narekober din ang dalawang magazine at mga bala ng mga nasabing baril.

Kasalukuyang nasa kostudiya ng General Trias Police ang mga suspek upang kaharapin ang kasong isinampa laban sa kanila. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here