Home METRO 2 lalaki natagpuang nakabigti sa Bulacan

2 lalaki natagpuang nakabigti sa Bulacan

296
0

BULACAN, Philippines – Isang 21-anyos na lalaki ang natagpuang nakabigti sa kanyang kuwarto sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM) nitong Agosto 31.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si alyas “Jay”, residente ng Brgy. Muzon Proper.

Sa report, nadiskubre ang insidente bandang alas-3:00 ng hapon sa isang subdibisyon sa nasabing lugar.

Nabatid na hindi lumalabas ng kuwarto ang biktima kaya maka-ilang beses tinawagan ng kanyang co-worker subalit hindi ito sumasagot.

Dahil dito, nagawang puntahan ng co-worker ang kuwarto nito hanggang sa tumambad sa kanya ang nakabigting biktima.

Nang makarating sa mga awtoridad ang nangyari ay agad tumungo sa lugar kaya napag-alamang tumanggi ang pamilya ng biktima sa assistance ng SOCO at autopsy.

Samantala, nadiskubre rin bandang alas-9:00 ng umaga nitong September 2 ang isang lalaking nasa edad 20-28 na nakasuot pa ng dark shades, may tattoo sa kaliwang braso na nakabigti sa isang puno sa Brgy. Sapang Palay ng lungsod.

Agad humingi ng assistance ang mga awtoridad sa SOCO para iproseso ang crime scene na sinasabing nag-viral sa Facebook dahil nakasuot pa ito ng dark shades nang matagpuang nakabigti. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here