Home METRO 2 lalaki patay sa pamamaril sa Maguindanao del Sur

2 lalaki patay sa pamamaril sa Maguindanao del Sur

276
0

MAGUINDANAO DEL SUR, Philippines – Patay ang dalawang lalaki matapos tambangan at pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang suspek, kahapon ng umaga sa Sultan Barongis.

Kinilala ang mga biktimang sina Faizal Abas Ulangkaya, 50,  taga Pagkakaisa St., Poblacion, Buluan, Maguindanao del Sur at isang alyas “Nasrudin,” na taga Dimalebas, Buluan, Maguindanao del Sur.

Batay sa report ng Barongis Municipal Police Station, bandang 9:00 AM noong Biyernes Setyembre 12, 2025 naganap ang krimen sa bahagi ng Brgy. Langgapanan, ng naturang bayan.

Lumabas sa paunang imbestigasyon ng pulisya, sakay ang mga biktima sa Honda Wave 110 mula Buluan patungong Brgy. Bulod ng Sultan Sa Barongis nang pagbabarilin ng mga armadong suspek.

Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan ang mga biktima na naging sanhi ng agaran nilang kamatayan.

Inaalam na ng mga awtoridad ang tunay na motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa mga suspek para sa agaran pagdakip. /Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here