Bulacan – Patay ang 25 anyos na dalagang tumawid sa kalsada matapos aksidenteng masagasaan ng trailer truck sa lungsod ng Meycauayan.
Kinilala ang kalunos-lunos na biktima na si Rhenielyn, single, accounting staff, residente ng Brgy. Muzon.
Sa report ng pulisya, naganap ang insidente bandang 8:45 ng gabi nitong January 16, sa Mc Arthur Highway sakop ng Brgy. Saluysoy,
Ayon sa inisyal na imbestigasyon at base na rin sa salaysay ng saksi, nag-aalangan tumawid ang biktima subalit tumuloy pa rin ito hanggang sa aksidenteng nasagasaan ng truck na paluwas.
Agad na dumating ang rescue team sa lugar subalit idineklarang no signs of life ang biktimang nagkalasog-lasog nang pumailalim sa truck
Nahaharap naman ang driver na nagngangalang Alvin, 33, residente ng Cabatuan, Isabela sa kaukulang kaso habang nasa kostudiya ng pulisya.
Samantala, bandang 4:30 ng madaling araw nitong January 17, sa Mc. Arthur Highway, Brgy. Wakas, todas din ang nagngangalang Narciso, 26, residente ng Brgy. Mojon, Malolos nang aksidenteng makasalpukan ang Isuzu dump truck na minamaneho ni Rico, 48, residente ng Brgy. Siling Matanda, Pandi na nahaharap sa kaukulang kaso habang nasa kostudiya ng pulisya.(Dick Mirasol III)