Home METRO 2 lolo, timbog sa buy bust sa Navotas

2 lolo, timbog sa buy bust sa Navotas

112
0

MANILA, Philippines – SWAK sa kalaboso ang apat na hinihinalang tulak ng illegal na droga, kabilang ang dalawang lolo matapos malambat ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Navotas City.

Ani Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, nagsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Genere Sanchez ng buy bust operation sa Santillan St., Brgy. San Jose, bandang alas-2:02 ng madaling araw.

Kaagad dinamba ng mga operatiba sina alyas “Banak” at alyas “Tambakol” matapos umanong magsabwatan na bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

Ayon kay Capt. Sanchez, nakuha sa mga suspek ang nasa 5.4 gramo ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P36,720.00 at buy bust money.

Nauna rito, natimbog namaman ng kabilang team ng SDEU ang dalawang tulak na lolo na sina alyas “Gani”, 62 ng Obando, Bulacan at alyas “Jojo’, 62 ng Brgy. Bangkulasi sa buy bust operation dakong alas-12:22 ng hating gabi sa Goldrock St., Brgy. San Roque.

Sinabi PSSg Ramir Ramirez, nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 5.6 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P38,080.00 at buy bust money.

Sasampahan ng pulisya ang mga suspek ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Rene Manahan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here