MANILA, Philippines – Binabantayan ng state weather bureau PAGASA ang dalawang low pressure area at isang tropical cyclone sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
As of 2 p.m. ng Huwebes, nakita ng PAGASA ang tropical depression sa layong 2,635 kilometro sa silangan ng Central Luzon, na mabagal na kumikilos patungong silangan na may pinakamataas na lakas ng hangin na 55 km/h at pagbugsong aabot sa 70 km/h.
Ang isa sa mga LPA ay namataan sa layong 1,460 km silangan ng Eastern Visayas, habang ang isa pang LPA ay na-monitor sa layong 735 km silangan ng Extreme Northern Luzon.
Maulap na papawirin na may kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang inaasahan sa Batanes dahil sa LPA, habang ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa mga localized thunderstorms.
Ang buong bansa ay makakaranas ng mahina hanggang sa katamtamang hangin at mahina hanggang sa katamtamang pag-alon sa baybayin. RNT